Ex husband ni Sunshine Dizon nakaaway ang asawa ng kanyang kalaguyo sa QC

Home / Entertainment / Ex husband ni Sunshine Dizon nakaaway ang asawa ng kanyang kalaguyo sa QC

Ang dating asawa ng aktres na si Sunshine Dizon na si Timothy Tan ay nasangkot sa isang gulo nitong Biyernes sa isang restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Ayon sa 24 Oras, ang nakaaway ni Tan ay si Robert Sison, ang asawa ng kanyang napabalitang kalaguyo.

Kuwento ni Sison itinulak umano siya ni Tan at biglang sinuntok habang nasa CR siya.

"He punched me right here. This was the first damage (nakaturo sa taas ng kilay). There was this hard object na may naramdaman ako that hit me," ani Sison.

Mariin naman itong itinanggi ni Tan at sinabing pinoprotektahan lamang niya ang kanyang sarili at si Sison ang unang umatake.

"When I turned back because I'm done already, I saw him on the urinal and then he just pushed me and sabay suntok," pahayag ni Tan.

Ayon kay Tan, kilala niya si Sison.

"Yung ex-wife niya was allegedly linked to me before and then my ex-wife also filed a case against me pero the case was dismissed so walang na-prove dun sa kasong 'yun," ani Tan.

"Let the people think and decide kung sino ang may mas motibo sa amin manakit, ako ba o siya?" dagdag ni Tan.

Kinumpirma ni Sison na ang napabalitang kalaguyo ni Tan ay ang kanyang asawa. 

"His wife is Sunshine Dizon and Sunshine Dizon filed a case against him and his lover who happens to be my wife, Clarisma Sison," aniya.

Kapwa nag sampa ng reklamong physical injurity sina Tan at Sison. 


Source: GMA News Online


----------------------------------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!
Ex husband ni Sunshine Dizon nakaaway ang asawa ng kanyang kalaguyo sa QC Ex husband ni Sunshine Dizon nakaaway ang asawa ng kanyang kalaguyo sa QC Reviewed by Newsinfo Learn on July 16, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.