Vice Ganda: "Wag mong sisihin ung politiko dhil istupido sya. Sisihin mo sarili mo dhil binoto mo sya"

Home / Entertainment / News / Vice Ganda: "Wag mong sisihin ung politiko dhil istupido sya. Sisihin mo sarili mo dhil binoto mo sya"

Isang mensahe ang ipinost ni Kapamilya star na si Vice Ganda sa kanyang Twitter account ang nakakuha ng atensiyon ng maraming netizen.
Photo credits: ABS-CBN News

Ito ay tungkol sa mga taong sinisisi ang mga politiko sa tuwing may nagagawa itong kapalpakan.

"Wag mong sisihin ung politiko dhil istupido sya. Sisihin mo sarili mo dhil binoto mo sya. Nagtrip lng naman syang tumakbo. At naniwala ka."

"Ang saklap na yung mga mahuhusay at matitinong tao di nabigyan ng pagkakataong magkapwesto sa gobyerno. Pero yung mga pulpol namamayagpag."

Kahit walang binanggit na pangalan si Vice sa kanyang post ay marami namang nagsabing si Senator Tito Sotto ang kanyang tinutukoy.

Sa kabilang banda, sentro naman ngayon ng kontrobersiya si Sotto dahil sa kanyang biro kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo sa naganap na pagdinig ng Commission of Appointments (CA) sa Senado.

Pabirong sinabi ni Sotto na "na-ano lang" si Taguiwalo dahil sa pagiging single mother nito.

Ang birong "na-ano lang" ay madalas ginagamit na biro ni Sotto sa noon time show na Eat Bulaga sa segment na "All for Juan, Juan for All."

Sa isa pang post ni Vice, masasabing si Sotto ang kanyang pinapatamaan.

"Anung ganap? Bakit parang nagkakaanuhan? Anu na?! May naano ba? Sinong nang aano? Wag kayong ano jan ha!"


Source: PEP

Vice Ganda: "Wag mong sisihin ung politiko dhil istupido sya. Sisihin mo sarili mo dhil binoto mo sya" Vice Ganda: "Wag mong sisihin ung politiko dhil istupido sya. Sisihin mo sarili mo dhil binoto mo sya" Reviewed by Newsinfo Learn on May 04, 2017 Rating: 5

1 comment:

  1. ang mali nya wala po xa sa segment ng isang tv show para mag salita ng ganun.....

    ReplyDelete

Powered by Blogger.