President Duterte to file multiple counts of estafa against ABS-CBN

Home / News / President Duterte to file multiple counts of estafa against ABS-CBN

Sasampahan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kasong estafa ang isa sa pinakamalaking TV network sa Pilipinas, ang ABS-CBN.

Sinabi ito ng pangulo sa kanyang talumpati nitong Biyernes, May 13 sa launching ng isang bagong housing project para sa mga sundalo at pulis sa Davao City.

“'Yang ABS na ‘yan, isa ka pang pu**ng ina, mga mukhang pera!

“Tapos kung mag-editorialize kayo, yung mga komentaryo ninyo, kami ang masasama.

“Actually, kayo ang magnanakaw, e.

"Gabby Lopez... I paid ABS-CBN P2.8 million, I was only able to gather money during the last weeks of my candidacy.”

Ang tinutukoy ng pangulo ay ang kanyang ibinayad sa ABS-CBN para sa kanyang campaign ad noong nakaraang presidential elections.

Dagdag pa ng pangulo, “Dumating na yung pera, nagmakaawa ako sa inyo, kasi wala akong pera… wala akong propaganda sa TV. Sabi ko, ‘Puwede ba ito isingit ninyo?’

“Tinanggap niyo yung pera ko, never bothered to show my propaganda.

"Pagkatapos ng eleksiyon, kinalimutan lang ninyo, hindi niyo naman isinauli yung pera.

"You did it to me, kay [Roman] Romulo, kay [Alan Peter] Cayetano, kay Chiz Escudero, at marami pa."

Nagbanta rin ang pangulo na hahadlangan nito ang renewal of franchise ng ABS-CBN.

Saad ni Duterte, “Ngayong ang franchise ninyo, kumpiyansa kayo, ang franchise renewable this year.

“If you are in operation for 25 years and maganda ang record niyo, no need for another franchise.

“But I’m telling you now, I will be filing charges of multiple syndicated estafa.

“Kawalang hiya, mga baga mog nawong... ang kakapal ng mukha ng pu**ng ina kayo!

“Le*se, kayo yung mayayaman, kami pa yung mga pobreng pulitiko ang sasalsalin ninyo!”


Source: PEP 

President Duterte to file multiple counts of estafa against ABS-CBN President Duterte to file multiple counts of estafa against ABS-CBN Reviewed by Newsinfo Learn on May 19, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.