READ: Pahayag ni VP Leni Robredo tungkol sa insidente sa lungsod ng Marawi

Home / News / READ: Pahayag ni VP Leni Robredo tungkol sa insidente sa lungsod ng Marawi



Tulad ng marami sa ating mga kababayan, sinusubaybayan natin ang mga pangyayari sa Lungsod ng Marawi. Buo ang ating loob sa kakayahan ng ating sandatahang lakas na maresolba ang sitwasyon ito.

Sa Ating pakikipag-ugnayan sa liderato ng AFP, tinitiyak nila na kontrolado nila ang sitwasyon at malulutas ito sa lalong madaling panahon.

Sama-sama nating ipagdasal ang ating mga sundalo na ipinaglalaban ang ating mga kababayan sa Marawi. Ipinagdarasal din natin ang ating mga kapwa Pilipinong nasa gitna ng bakbakan.

Inaasahan nating matatapos agad ang kaguluhang ito at kakailanganin ng ating mga kababayan ang agarang tulong. Dahil dito, nagbigay tayo ng derektiba sa ating mga opisina na maghanda ng relief operations para sa mga naapektuhan. Hinihikayat natin ang lahat ng sektor na may kakayahang magbigay ng anumang tulong na tumugon sa lalong madaling panahon.

Huwag tayong matakot. Manindigan tayo. At magtiwala tayong mananaig ang kapayapaan.
READ: Pahayag ni VP Leni Robredo tungkol sa insidente sa lungsod ng Marawi READ: Pahayag ni VP Leni Robredo tungkol sa insidente sa lungsod ng Marawi Reviewed by Newsinfo Learn on May 24, 2017 Rating: 5

1 comment:

  1. TRAIDOR KAYO ROBREDO & BAM AQUINO! SINAMANTALA NINYO ANG PAG ALIS NG PANGULO! U SHALL BE INVESTIGATED! Did Bam Aquino have a meeting with the Maute Rebels before the Marawi City attack? His official PNP escorts ay hanggang Iligan City lang during his visit to Marawi City. May ibang grupong pumalit sa kanyang escorts from Iligan City to Marawi City.
    The current government should look into the affairs of the Aquinos coz they're been historically associated with the rebels. Just remember Ninoy Aquino was one of the founders of CPP-NPA. FILIPINOS SHOULD DEMAND ANG INVESTIGATION ON THESE VISITS OF FAKE VP AND SENATOR B AQUINO IN MARAWI!������������������������������

    ReplyDelete

Powered by Blogger.