Lalaki nanghipo ng babae, sinugod pa ang bahay ng biktima

Home / News / Lalaki nanghipo ng babae, sinugod pa ang bahay ng biktima

Isang lalaki ang arestado matapos umano itong manghipo ng babae at pumasok sa loob ng bahay na may dalang itak.

Nagwala pa umano ang lalaki nang hulihin ng mga awtoridad sa ParaƱaque.

Ayon sa kwento ng biktima na si Kaye, 22 years old, hinihintay niya ang kanyang order na pagkain sa isang ihawan sa BF Homes ng hipuan siya ng suspek na si Jerome Pagaran, na nakikipag-inuman sa lugar.

"Tumayo siya, hinipuan ako sa tagiliran," sabi ni Kaye.

Mabilis namang nagsumbong ang biktima sa kanyang partner na si Harlie Gallego.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo, umuwi si Pagaran sa kanyang bahay at kumuha ng itak.

Nasugatan pa di umano si Pagaran sa daliri dahil nakipag-agawan pa ito ng itak sa kanyang misis.

Sinugod ng suspek ang bahay nina Kaye at Harlie ngunit hindi naman ito hinarap ng magkasintahan sa halip ay itinawag nalang sa mga opisyal ng barangay.

Pagdating ng mga awtoridad ay tumakbo si Pagaran ngunit nahuli siya ng mga tanod.

"'Di ko alam na may itak, siniko ko, nagwawala. Tumalsik nga kami nung hinawakan namin, lasing kasi," sabing barangay tanod na si Dave Martinez.

Kumalma rin kalaunan si Pagaran at itinangging hinipuan niya si Kaye.

"Maiksi suot, e lalaki ka, mapapatingin ka. Nahuli ako na tumitingin, sinabihan ng bastos. Ang layo-layo ko, hihipuan ko? Ano ako, lastikman?" sabi ng suspek.

Desidido naman si Kaye na ituloy ang kasong acts of lasciviousness, trespassing at frustrated homicide laban kay Pagaran.


Source: Abs-Cbn News

Lalaki nanghipo ng babae, sinugod pa ang bahay ng biktima Lalaki nanghipo ng babae, sinugod pa ang bahay ng biktima Reviewed by Newsinfo Learn on May 18, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.