Claudine Barretto's reaction to her Ninong Tito Sotto "na-ano lang" comment

Home / Entertainment / Claudine Barretto's reaction to her Ninong Tito Sotto "na-ano lang" comment

Nagbigay ng kanyang reaskyon ang aktress na si Claudine Barretto sa naging komento ni Sneator Tito Sotto sa single parent na si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo.
Photo credits: PEP

Sa naganap na Senate hearing ng Commision of Appointments para kay Taguiwalo, pabirong sinabi ni Sotto na "na-ano lang" si Taguiwalo dahil sa pagiging single mother nito.

Ang birong "na-ano lang" ay madalas ginagamit na biro ni Sotto sa noon time show na Eat Bulaga sa segment na "All for Juan, Juan for All."

Ngunit para kay Claudine, hindi ito katanggap-tanggap.

Si Claudine ay hiwalay sa kanyang asawa na si Raymart Santiago at meron silang dalawang anak.

Sa Instagram post ni Claudine, sinabi nito na proud siyang maging single mother at para sa kanya ay matatawag na bayani ang mga ito.

“Senator Tito Sotto, I am a single mother of 2 and im proud of myself and I have so much respect para sa lahat ng ma single mothers na tumatayong nanay at tatay. Para sa akin bayani ang mga single mothers, wala ho kaming dayoff, sweldo o benefits bilang isang single mother.

Ninong namin kayo ni Raymart sa kasal so siguro naman po alam ninyong hindi ako NA ANO LANG!!!”


Source: PEP

Claudine Barretto's reaction to her Ninong Tito Sotto "na-ano lang" comment Claudine Barretto's reaction to her Ninong Tito Sotto "na-ano lang" comment Reviewed by Newsinfo Learn on May 04, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.