Bishop: Paglaglag kay Lopez ng CA, pagkanulo sa Diyos at taumbayan

Home / News / Bishop: Paglaglag kay Lopez ng CA, pagkanulo sa Diyos at taumbayan

Itinuturing ng Lipa Archbishop na si Emeritus Ramon Arguelles na pagtraydor sa taong-bayan at sa Diyos ang ginawa ng CA sa pagbasura ng Commission on Appointments si Gina Lopez bilang Secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). 
Photo credits: Inquirer News

“The refusal of the lawmakers to entrust to Ms Gina Lopez the care of our environment unmasks the kind of leaders we have. They betray God and our people because of self interest and because of the interest of the abusive few, God’s creation and the environment meant for the common good is further exposed to degradation,” saad ni Arguelles.

Sinabi rin nito na kailangan raw pag-aralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging desisyon ng mga bumubuo ng CA sapagkat ang pagsira sa kalikasan ay katumbas din ng pagsira ng ilegal na droga sa buhay ng mga tao.


“It’s high time the nation break free from corrupt leaders and depose these Judases of our Country. Presidente Du30 [Duterte] should live up to his commitment to defend our Country from those who destroy her,” panawagan ni Arguelles

Si Bishop Antonieto Cabajog ay nababahala rin para sa kanyang mga kababayan sa Surigao dahil magpapatuloy parin ang labis na pagmimina sa kanilang lugar dahil hindi na-aprubahan si Lopez.

“She is a great loss! The law should serve the common good. It’s the spirit of the law we should pursue not the law itself for its own sake. Surigao has more to offer in terms of Eco-tourism” pahayag ni Bishop Cabajog.

Itinuturing naman ni Caritas Manila executive director Father Anton Pascual si Lopez na simbolo ng krusada ng mamamayan para protektahan at pangalagaan ang kalikasan.

“We continue to support sec.Gina Lopez. She is the symbol now of our crusade to protect and preserve our environment and the future of humanity’.pahayag ni Father Pascual sa Radio Veritas


Source: GMA News Online

Bishop: Paglaglag kay Lopez ng CA, pagkanulo sa Diyos at taumbayan Bishop: Paglaglag kay Lopez ng CA, pagkanulo sa Diyos at taumbayan Reviewed by Newsinfo Learn on May 04, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.