Anti-Duterte claims netizens are angry because Duterte gave Scarborough Shoal to China, bashes a Pro-Duterte

Home / Viral / Anti-Duterte claims netizens are angry because Duterte gave Scarborough Shoal to China, bashes a Pro-Duterte

After President Rodrigo Duterte said that China cannot be stopped from building structures on Scarborough Shoal, one netizen noted that the President retracted his earlier claims of erecting the Philippine flag on Scarborough.
Photo credits: Daily Stormer

Philip Lustre, Jr. expressed his sentiments over one Pro-Duterte who commented on his earlier post about Duterte handing over the shoal to China.

While Lustre recognizes the freedom of expression of that Pro-Duterte, whom he did not name, he also asserted that “hindi nalalayo sa boksing ang anumang debate sa publiko. Kung magaling kang bumuntal, ihanda mo rin ang sarili mo na tumanggap ng buntal.”

He explained that it is only certain that negative comments will rain down on Duterte because he gave up the shoal and dissenters have the right to voice their opinion.

However, when the Pro-Duterte commented “nahiya naman Ako sa mga comments ninyo. Magagaling talaga ang mga Pilipino. Gusto nila ang magpapatakbo ng Pilipinas, ay mga magnanakaw...” Lustre retorted by pointing out that the Pro-Duterte was not fit to post on his wall because the Pro-Duterte was not smart enough to join in their discussions.

“Sorry ka na lang. Marami talagang galit sa presidente mo. Pero mas maigi doon ka sa wall ng mga kapanalig mo. Hindi ka bagay dito. Tingnan mo ang mga nandito. Mas higit na matalino sa iyo. At hindi sila papayag na ang pinuno natin magpailalim sa China. Dapat maintindihan mo iyan. Kaya huwag kang maging bulag na kapanalig,” was Lustre’s retort to the comment of the Pro-Duterte.

Lustre even linked Duterte to some politicians whom he asserted were thieves such as Gloria Arroyo, Ferdinand Marcos Jr., and Jejomar Binay, among others.

In his full post on Facebook, Lustre said,

"MAGLINAWAN LANG. 

Mayroon isang tao ang pumasok sa wall ko at nagpahayag ng kaniyang saloobin tungkol sa inabot na pagtuligsa ng pangulo niya mula sa aking mga netizen-friend. Wala namang problema diyan. Malaya ang sinuman na magpahayag ng kaniyang damdamin. Pero malaya rin na sagutin siya. Hindi nalalayo sa boksing ang anumang debate sa publiko. Kung magaling kang bumuntal, ihanda mo rin ang sarili mo na tumanggap ng buntal. Palaging may tunggalian ng kuro-kuro, Ganyan talaga ang buhay.

Pumasok sa wall ko ang taong may kakaibang opinyon ng aking i-post ang lathalain ng Newsweek tungkol sa pag-urong ng presidente niya sa kaniyang naunang pahayag na itatayo ang bandila ng Pilipinas sa isang islang inaaangkin ng Tsina. Ayon sa lathala, umurong ang presidente niya matapos magbabala ang Tsina sa anumang plano na magtirik ng watawat ng Pilipinas sa islang inaaangkin pareho ng Pilipinas at Tsina. Siempre, umulan ng maanghang na salita ang presidente niya mula sa mga netizen. Hindi ko sila pinipigilan kasi karapatan rin nila na ipahayag ang kanilang saloobin. Sa tono ng kaniyang post sa aking wall, hindi niya gusto ang tubo ng dila ng maraming netizen na kontra sa pangulo niya.

Ganito ang takbo ng usapan (Inayos ko ang maling balarila, o grammar para mas madaling maintindihan):

Ito ang sabi niya: Nahiya naman Ako sa mga comments ninyo. Magagaling talaga ang mga Pilipino. Gusto nila ang magpapatakbo ng Pilipinas, ay mga magnanakaw...

Ito naman ang sagot ko: Sorry ka na lang. Marami talagang galit sa presidente mo. Pero mas maigi doon ka sa wall ng mga kapanalig mo. Hindi ka bagay dito. Tingnan mo ang mga nandito. Mas higit na matalino sa iyo. At hindi sila papayag na ang pinuno natin magpailalim sa China. Dapat maintindihan mo iyan. Kaya huwag kang maging bulag na kapanalig. 

Sinong magnanakaw ang tinutukoy mo? Si GMA? Ayun nakalaya na at kasama na ng presidente mo. Si BBM? Ayun naghahabol na maging bise presidente. Pero kasama na rin ng presidente mo. Si Jojo Binay na bilyon bilyon ang ninakaw? Ayun kasama na rin ng presidente mo at inaasinta ang DILG sa Hulyo. Si Bong Revilla at Jinggoy Estrada? Ayun, nakakulong pa. Pero si Erap sumama na sa presidente mo. Si Lani Mercado naman panay ang katok sa pintuan ng Malakanyang para makalaya ang asawa. Baka ang 2 na iyan makalaya na rin. Si JPE? Nakalaya na at kakampi na rin ng presidente mo. Si Pnoy? Dalhin ninyo sa husgado at asuntuhin. Pero hanggang wala kayong naisasampang asunto, akusasyon lang sa salita iyan. Teka nagdemanda ang VCC na kakampi ng president mo. Mga shakedown artist ang mga iyon. Ano pa?

Mga netizen, kayo na lang po ang humusga."


Source: Facebook

Anti-Duterte claims netizens are angry because Duterte gave Scarborough Shoal to China, bashes a Pro-Duterte Anti-Duterte claims netizens are angry because Duterte gave Scarborough Shoal to China, bashes a Pro-Duterte Reviewed by Newsinfo Learn on April 16, 2017 Rating: 5

1 comment:

  1. Mali yata paratang ninyo na si mayor Du30 ang nagbenta ng Scarborough shoal. Ang pagkakaalam ko sa pamamagitan ng utos ng dating abnormal na president nag-back channel yung senador na demonyong sundalong kanin at sa dahilan sila lang ang nakakaalam nakapagpatayo ang bansang China ng mga istraktura at kinordon ng mga intsik at hindi na makapagpangisda. Ngayon lang sa panahon ni mayor Du30 ay malayang makapagpangisda ang mga Pilipinong mangingisda. Alamin ninyo bago kayo magkalat ng taeng balita.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.