Ano ba ang totoong kwento sa mahabang pila sa airport immigration counters?

Home / Viral / Ano ba ang totoong kwento sa mahabang pila sa airport immigration counters?


President of the Immigration Officers Association of the Philippines German Robin explained that the Express Lane Fund (ELF) must be reinstituted in order to augment the overtime pay of the understaffed Bureau of Immigration (BI), to which a post by Syet Da Pwet from Malou Tiquia explained it to be false.


“Wala katotohanan ang bintang na ito. Hindi talaga overtime pay ang hinahabol ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI),” explained by Tiquia where she further illustrated that BI employees only have three shifts of eight hours each, thus, overtime work does not often occur.

The BI has also expressed concern over the lot of their employees being already understaffed in the first place, to which Tiquia retorted that the bureau actually pays job orders (JO) and confidential agents who are not registered as regular employees of the bureau.

“Una ay ang pang-sahod sa mga kawaning tinatawag na job orders (JOs) at confidential agents na kanilang itinalaga sa mga airport at sa head office dahil umano sa kakulangan ng mga empleyado,” Tiquia explained.

“Ang mga JOs at confidential agents ay hindi mga regular na empleyado at wala kailanman na employer-employee relationship sa BI. Samakatuwid, wala silang accountability,” Tiquia added.

Tiquia furthered that the bureau asked for an increase in their wages tantamount to 300 to 500% of their current income, in such case, only the BI employees would be enjoying such wage increase in the whole country. 

Even when the Department of Budget and Management (DBM) offered many regular positions, the BI could not comply for their JOs and confidential agents because of the fear that they would be subject to requirements and qualifications needed in a civil servant, thus, there remains a large portion of these JOs and agents that enjoy even higher wages than regular employees.

Even as the BI argues that the Commonwealth Act 613 or the Immigration Act provides that they may collect ELF, Tiquia argued that these fees are considered as income that, under law, must be remitted to the Bureau of Treasury which has the power to appropriate the funds.

The reason why BI managed to slip through with their scheme for a long time is because “naila-lobby ng mga taga-bi sa kongreso na maisingit sa GAA o budget ng Pilipinas sa tulong ng kanilang mga kaibigang mambabatas ang tinatawag na Special Provision na nagpapahintulot sa BI na gamitin ang ELF,” tiquia explained.

 “Nahahawakan at nagagalaw nila [BI] ito upang palakihin ang kanilang mga take home pay ng higit sa 300 porsyento sa pamamagitan ng pormula na sila lang ang nakakaalam kung paano,” Tiquia added.

For 30 years the BI has preserved this practice partly due to the lack of “political will”, as Tiquia asserted, on the part of previous administrations to abide by the law for fear that airport operations might be paralyzed if BI did not have their way.

What the BI did not point out is that after President Rodrigo Duterte vetoed their overtime pay, “nagdagdag ang DBM ng 700 bagong posisyon upang ma-convert sa regular mula noong 2012 hanggang 2015 yung mga JOs at confidential agents. At nagdagdag ng Php240 milyon sa budget ng BI upang gugulin sa pambayad ng overtime ng mga kawani.”

Read the full post below from Malou Tiquia:

1. ANO BA ANG TOTOONG KWENTO SA MAHABANG PILA SA AIRPORT IMMIGRATION COUNTERS?

Marami ang di umano ay nagri-resign at nagli-leave of absence dahil daw hindi sila nababayaran ng overtime pay? Wala katotohanan ang bintang na ito. Hindi talaga overtime pay ang hinahabol ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI).


Tatlong shift na tig-walong oras ang duty ng mga immigration officers sa airport kaya papaano sila makakapag-overtime? Ganoon din sa head office, 8am hanggang 5pm ang trabaho ng mga kawani. Kung meron man na mag-overtime, bibihira ito at sandali lamang.


2. ANO ANG HINAHABOL NILA?


Ang gusto nila ay patuloy magamit ang Express Lane Fees (ELF) na naku-kolekta ng BI mula sa mga banyaga o foreigners na nagpapa-process ng sari-saring applications sa BI tulad ng ACR, Visa Extension etc. Upang matustusan ang ilang benepisyo.


3. ANU-ANO ANG MGA BENEPISYO MULA SA ELF?


Una ay ang pang-sahod sa mga kawaning tinatawag na job orders (JOs) at confidential agents na kanilang itinalaga sa mga airport at sa head office dahil umano sa kakulangan ng mga empleyado.


Ang mga JOs at confidential agents ay hindi mga regular na empleyado at wala kailanman na employer-employee relationship sa BI. Samakatuwid, wala silang accountability.


Napakarami nila sa BI at kadalasan sila ang nakasalang sa mga immigration counters ng airport.


Higit sa lahat, hinahangad ng kanilang mga regular na kawani ang napakalaking dagdag na sahod o augmentation ng sweldo na katumbas ng 300 hanggang 500 porsiento ng kanilang mga sahod, na sa buong burukrasya ng Pilipinas ay sila lamang ang nag i-enjoy.


4. BAKIT HINDI SILA MA-REGULARISE ANG JOs AT CONFIDENTIAL AGENTS?


Marami regular plantilla positions ang binuo ng DBM para punuan nila. Ngunit hindi nila ito magawa, sa pangambang mapapasailalim sila sa mga qualifications ng isang civil servant na kailangan nilang ipasa tulad ng Civil Service Eligibility exam. Kaya hanggang ngayon ay marami sa kanila ang JOs at confidential agents lamang PERO tumatanggap ng ilang patong na mas mataas pa sa sahod ng mga regular na kawani kumpara sa ibang ahensya ng gobyerno.


5. BAKIT TINANGGAL SA BI ANG PAGGAMIT NG EXPRESS LANE FEES?


Ang express lane fees na ito ay tinuturing na income na ayon naman sa batas ay dapat ma-remit sa Bureau of Treasury upang ang Kongreso ang siyang mag-appropriate, na naaayon sa batas.


Pero dahil taon-taon, naila-lobby ng mga taga-bi sa kongreso na maisingit sa GAA o budget ng Pilipinas sa tulong ng kanilang mga kaibigang mambabatas ang tinatawag na Special Provision na nagpapahintulot sa BI na gamitin ang ELF, nahahawakan at nagagalaw nila ito upang palakihin ang kanilang mga take home pay ng higit sa 300 porsyento sa pamamagitan ng pormula na sila lang ang nakakaalam kung paano. 30 years na nilang ginagawa ito, meron o wala mang Special Provision sa budget.


Kung wala ang Special Provision, hindi po nila magagawa ang ganitong bagay dahil magiging ilegal ang pag-appropriate ng ELF.


Kahit noong inilagay ang Special Provision, ito ay dapat ginamit sa tamang paraan. Halimbawa, OT pay para sa totoong serbisyo na overtime at alinsunod sa tamang rates. Pero hindi rin nila ito tinupad. Ilang ulit ng tinangka ng pamahalaan sa mga nakalipas na administrasyon na baguhin o alisin ang kalakaran na ito, ngunit walang nagkalakas ng loob o nagpakita ng political will dahil ang panakot ng BI ay mapa-paralyze daw ang operasyon sa mga airport pag tinanggal ito.


Sa GAA 2017, na-veto ni PRRD ang Special Provision na muling naisingit sa budget dahil hindi na makatuwiran o makatarungan ang practice na ito.


6. ANONG GINAWA NG DBM MATAPOS NA-VETO NI PRRD ANG SPECIAL PROVISION SA GAA 2017?


Nagdagdag ang DBM ng 700 bagong posisyon upang ma-convert sa regular mula noong 2012 hanggang 2015 yung mga JOs at confidential agents. At nagdagdag ng Php240 milyon sa budget ng BI upang gugulin sa pambayad ng overtime ng mga kawani.


Dito pa lamang makikita na hindi kailangan ang paggamit ng BI ng ELF. Nitong nakaraang linggo lamang, nagdagdag pa ulit ng halos 900 bagong posisyon ang DBM upang makapagdagdag ang BI ng mga regular na kawani bilang tugon sa panawagan nila na magdagdag pa ng regular na kawani. Ngayon batid na hindi nila gusto ang mga ganitong hakbang ng pamahalaan. Ngayon nakita na rin natin ang katuparan ng paralyzation sa airport na sinasabi nila. Isa lamang ang gusto nilang patunayan - na kaya nilang i-paralyze ang airport kapag hindi binawi ng pangulo ang pag-veto ng special provision sa budget. Inalis ang ganitong maling provision sa budget upang ituwid ang matagal ng mali.


Ang lahat ng kawani sa gobyerno ay dapat patas ang natatanggap at sumasailalim sa salary standardization law. Duon tayo sa tama.



Source: Facebook

Ano ba ang totoong kwento sa mahabang pila sa airport immigration counters? Ano ba ang totoong kwento sa mahabang pila sa airport immigration counters? Reviewed by Newsinfo Learn on April 05, 2017 Rating: 5

4 comments:

  1. let us not believe when they say that it takes 6 months before an employee ca be deployed in the airport for immigration works. Is that how difficult to learn the routines of immigration inspection? Let all of them be dismissed and be replaced by young graduates. Let us see really if it takes 6 months for them to be trained.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pano naman eh mga bobong dilaw mga hinahire nila. Maski 6 years di yan matoto dahil wala sa isip nila ang trabaho kundi sweldo o tip lang ang iniisip.

      Delete
  2. Kaya naman pala eh. I think the BI should be re-organized. Mali nga yang present system na 30 years na pala umiiral. Hire a regular employee who is Civil Service-qualified and pay the correct compensation. Tama nga naman, pano may OT eh three shifts naman pala sila. Ibig nyo sabihin may overlap? Yan ang di namin matatanggtap. That's stupidity on the part of the BI management. Kaya di matapos tapos ang corruption dito eh. Mabuti na lang may Digong tayo at ginawa nya ang tamang hakbang.

    ReplyDelete
  3. The BI should start interviewing replacements na mga bata-bata. Look at HongKong, mga bata mga nasa immigration nila. Madami jan eigibles bakit kayo nagtitiyaga sa mga unqualified na nakapasok dahil sa padrino system?

    ReplyDelete

Powered by Blogger.