Willie Revillame, inilahad sa publiko ang nararamdamang lungkot sa buhay

Home / Entertainment / Willie Revillame, inilahad sa publiko ang nararamdamang lungkot sa buhay

Ikinuwento ni Willie Revillame sa kanyang programang "Wowowin" ang malungkot na bahagi ng kaniyang buhay sa kabila ng kasikatan at karangyaan.

Sa celebration ng kanyang kaarawan nitong Biyernes sa Wowowin, nagpasalamat siya sa mga bumati, nagtiwala at tumulong sa kanya upang makabangon muli.

Halatang pinipigilan ni Kuya Wil ang kanyang emosyon at inihalintulad ang kanyang buhay sa "W" ng kanyang pangalan.

"Akyat, baba, akyat, baba, parang pangalan ko," saad niya.

"Baba, akyat, baba, ang pinakahuli, akyat para sa inyo," pahayag niya sa mga manonood at mga tao sa studio.

"Hindi n'yo alam, lagi ko kayong iniisip, araw araw, laging kayo," saad niya.

"Kasi naman wala akong pamilyang tunay. Wala akong asawa, walang magulang, walang lahat, ako lang," patuloy niya.

Sinabi rin niya na pagkatapos ng taping, umuuwi siya sa bahay ng mag-isa at nagkakape sa umaga ng mag-isa.

Nagpasalamat si Kuya Wil sa kaniyang panganay na anak na si Meryll Soriano. Ito raw ang pumupunta sa kanyang bahay at gumagawa ng paraan para makasama rin niya ang iba pa niyang anak.

"It's a good thing si Meryll, yung mga anak ko nakakasama ko lately. Siguro nararamdaman ni Meryll mamamatay na ko, magmamana siya," biro ni Willie.

"Biro lang, mahal ako nung mga anak ko," patuloy niya. "Hindi kami close. Ngayon lang kami nagiging close, itong mga panahong ito lang na ginagawan ng paraan ni Meryll."

Hindi rin kinalimutan ni Kuya na pasalamatan ang Diyos dahil ginawa siyang tulay para makatulong sa kapwa.

Panoorin ang video sa ibaba:
Source: GMA News
Willie Revillame, inilahad sa publiko ang nararamdamang lungkot sa buhay Willie Revillame, inilahad sa publiko ang nararamdamang lungkot sa buhay Reviewed by Newsinfo Learn on January 28, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.