Pugot na ulo ng babae, nakitang lumulutang sa creek sa Makati City

Home / News / Pugot na ulo ng babae, nakitang lumulutang sa creek sa Makati City

Nitong Sabado ng hapon, nakitang lumulutang sa isang creek sa Makati City ang isang pugot na ulo ng babae.

Sa ulat ni Mark Zambrano sa GMA News "24 Oras Weekend" isang construction worker na si Rodel Drece ang nakakita sa ulo habang inaayos niya ang retaining wall ng creek sa hangganan ng barangay Pitogo at Pinagkaisahan dakong 1:00 pm..

Akala ni Drece ay ulo ito ng isang manikin pero napatakbo raw umano ito ng makitang ulo ito ng tao.

Ayon sa report ng Makati police, maaaring hindi pa nagtatagal ang pagkakatapon sa ulo dahil ito ay may bakas pa ng mga dugo at makikilala pa ang hitsura nito na tinatayang nasa edad 20-25.
READ ALSOBangkay ng babae na walang ulo, nakita sa kalye

Aalamin pa ng mga awtoridad kung ito ang bangkay ng isang babaeng natagpuan sa kalsada ng Sta. Maria Bulacan noong Huwebes ng gabi.

Mahaba umano ang buhok nito at nakitaan ng sugat sa kanang bahagi ng noo. Dinala naman ang ulo sa Veronica Memorial Homes sa Pasay City.



Watch the video below:


Source: GMA News Online

Pugot na ulo ng babae, nakitang lumulutang sa creek sa Makati City Pugot na ulo ng babae, nakitang lumulutang sa creek sa Makati City Reviewed by Newsinfo Learn on January 15, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.