Grade 2 student na babae, nakitang patay malapit sa kanal at may alambre sa leeg

Home / News / Grade 2 student na babae, nakitang patay malapit sa kanal at may alambre sa leeg

Karumal-dumal ang nangyari sa isang Grade 2 student sa Conception, Tarlac, ng matagpuan ang patay na katawan nito na may alambre sa leeg at nakasiksik sa gitna ng dalawang tubo na malapit sa kanal.

Sa ulat ni Bernadette Reyes sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, madaling araw ng January 3 nang matagpuan ang bangkay ni Shara Bartolome, siyam na taong gulang malapit sa isang kanal na di kalayuan sa kanilang bahay.

Ayon sa ina ng bata, akala nito at nagpunta lamang ang kaisa-isa niyang anak sa kanilang kamag-anak.

Ang suspek sa krimen ay ang kanilang kapitbahay na si Gilbert Rosaldo.



Ayon sa saksi, si Rosaldo raw ang huling nakitang kausap ng bata bago ito nakitang patay.

Itinanggi naman ng suspek na may kinalaman siya sa krimen at sinabing nakita lamang niya ang bangkay ng biktima nang magwawalis na siya sa kanilang bakuran.

Dagdag pa nito, kaagad niyang tinawag ang kanyang pinsan at tiyuhin upang maireport ito sa mga tanod.

Subalit sinabi ng mga pulis na malakas ang hawak nilang ebidensya laban kay Rosaldo.

Sa darating na Linggo naman nakatakdang ilibing ang labi ng biktima.

Watch the video below:


Source: GMA News Online

Grade 2 student na babae, nakitang patay malapit sa kanal at may alambre sa leeg Grade 2 student na babae, nakitang patay malapit sa kanal at may alambre sa leeg Reviewed by Newsinfo Learn on January 07, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.