Bangkay ng babae na walang ulo, nakita sa kalye

Home / News / Bangkay ng babae na walang ulo, nakita sa kalye

Natagpuan sa gilid ng kalsa ng Santa Maria, Bulacan ang bangkay ng isang babaeng walang ulo at hinihinalang ginahasa.

Sa ulat ni Jay Sabale sa GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Biyernes, tinatayang nasa 20 taong gulang ang biktima. Nakasuot ito ng itim na long sleeves at asul na leggings. Nasa 4-11" hanggang 5-1" naman ang kanyang taas.

Natagpuan ang biktima noong Huwebes ng gabi dakong 11pm at nakahandusay sa gilid ng kalsada ng barangay Casyio, Sta. Maria.

Naging palatandaan ang mga pasa sa braso at binti ng biktima na hinawakan ito nang mahigpit ng salarin.

Nakita ang bangkay malapit sa isang slaughter house o katayan sa lugar. 

Hanggang sa ngayon ay patuloy paring hinahanap ang ulo ng biktima upang makilala.

Dinala ang labi ng babae sa Superior Funeral Services habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Watch the video below:



Source: GMA News Online
Bangkay ng babae na walang ulo, nakita sa kalye Bangkay ng babae na walang ulo, nakita sa kalye Reviewed by Newsinfo Learn on January 13, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.