Ina ng lalaking nanlaban umano at napatay ng mga pulis, may mensahe kay Duterte

Home / News / Ina ng lalaking nanlaban umano at napatay ng mga pulis, may mensahe kay Duterte

Ayon sa report ni Mav Gonzales sa GMA News TV's "Balitanghali", napatay ng mga pulis ang kanilang target na si Mark Angelo Conception, alyas Marky sa Sta. Cruz, Manila noong Miyerkules ng hatinggabi.

"Hindi makatwiran ang ginagawa ng mga tao mo", mensahe ng ina ni Conception para kay Pangulong Rodrigo Duterte..

Ayon sa mga pulis, nanlaban umano si Conception kaya ito napatay..

Si Conception ay nasa drug watchlist daw ng mga owtoridad, nakuhaan ito ng baril at hinihinalang shabu.

Sabi naman ng ina ni Conception, gumagamit lang ng droga ang kanyang anak pero hindi ito nagtutulak.

Hindi daw ito naniniwala na nanlaban ang kanyang anak dahil takot raw umano ito sa mga pulis.

"Takot sa pulis ang anak ko, takot sa away ang anak ko," pahayag niya..

Ito ang mensahe niyang nais iparating kay Pangulong Duterte.

"Mahal na pangulo, tao lang kami, mahirap pero hindi makatwiran ang ginagawa ng mga tao mo. May mas matataas pero pinangangalagaan ng iba diyan na nakatataas, hindi nahuhuli, 'di napapatay. Pero kung sino yung maliit, 'yon ang pinapatay nila," anang ginang.

"Sana maantig ang puso mo kung totoong tao ka, kung totoong ama ka ng sambayanan," dagdag nito.



Source: GMA News Online

Ina ng lalaking nanlaban umano at napatay ng mga pulis, may mensahe kay Duterte Ina ng lalaking nanlaban umano at napatay ng mga pulis, may mensahe kay Duterte Reviewed by Newsinfo Learn on January 05, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.