7 taong gulang na babae pinatay at ginahasa ng lalaki na dati nang na-'Tokhang'

Home / News / 7 taong gulang na babae pinatay at ginahasa ng lalaki na dati nang na-'Tokhang'

Karumal-dumal ang nangyari sa isang batang babaeng pitong taong gulang pagkatapos umano itong patayin at gahasain sa Basay, Negros Oriental. 

Ang suspek ay dati na raw sumuko sa "Oplan-Tokhang."

Ayon sa ulat ni Jay Sabale sa GMA News TV's "Balitanghali", nawala ang biktima sa kanilang bahay disperas ng bagong taon.

Natagpuan na lamang ang bangkay na biktima kinabukasan na nakahandusay sa putikan.

Ayon sa imbestigasyon, positibong hinalay ang bata.

Nadakip ang suspek na si Jomar Villamater sa pamamagitan ng ilang saksi na nakakitang kasama ang biktima bago ito mawala.


Umamin naman ang suspek sa karumal-dumal na krimen na kanyang ginawa sa bata at nahaharap ito sa kasong rape with homicide.

*******************
Thank you for taking your time checking this article. Please share your opinions and thoughts by leaving a comment below.

Source: GMA News Online

7 taong gulang na babae pinatay at ginahasa ng lalaki na dati nang na-'Tokhang' 7 taong gulang na babae pinatay at ginahasa ng lalaki na dati nang na-'Tokhang' Reviewed by Newsinfo Learn on January 03, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.