Baclaran Church, nabagabag sa reaksyon ng tao sa photo gallery ng Death Under Investigation (DUI)

Home / News / Baclaran Church, nabagabag sa reaksyon ng tao sa photo gallery ng Death Under Investigation (DUI)

Ipinahayag ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help Baclaran Redemptorist Church ang kanilang pagkabahala sa naging reaksyon ng publiko sa 'photo gallery' ng mga biktima na inilagay sa simbahan.
Composite photos of CBCP News and RAFFY LERMA 

Ang photo gallery umano ay ang mga biktima ng extrajudicial killings at Death Under Investigation (DUI).

Ayon kay Fr. Joseph Echano, nakababahala raw na tila mas marami ang may gusto sa mga nagaganap na patayan ngayon at sinabi rin niya na tila sinasamba na raw ang Pangulo ng Pilipinas.

“Nababagabag kami, kasi napunta sa photo gallery at hindi na dun sa killing, nasaan na ang pananampalataya nila, parang ang mas dini-Diyos pa nila ang presidente, ano na yung bunga ng pananampalataya nila. Alam ninyo malalim ang naging impact sa amin,” pahayag ni Fr. Echano sa panayam ng Radio Veritas.



Dagdag ni Fr. Echano, inilagay nila ang photo-gallery sa Baclaran Church upang ipaalam at umapela sa publiko na ang bawat tao ay may dignidad na kahit ang mga tinaguriang kriminal ay mga tao na may karapatang mabuhay at bigyang pagkakataon na magbago.

Dagdag pa ni Fr. Echano, ang hangarin raw nila sa publiko ay maipaalam na ang bawat tao ay may dignidad na kahit kriminal ay may karapatang mabuhay at mabigyan ng pagkakataong magbago.

READ ALSO: Well known writer: A word of advice, madam Leni. You do not want this problem

“Yung purpose ng photo gallery is to appeal to humanity, a sense of dignity sa kanila na hindi tayo Barbarian, kahit drug addict yan tao yan, hindi basta basta papatayin na parang baboy na pinapatay sa harapan pa ng kanilang mga anak,” pahayag pa ng pari.

Ayon sa records ng Philippine National Police (PNP), nasa 2,124 na ang napatay na drug users/pushers mula Hulyo 1 hanggang Disyembre 18 at nasa 3,993 ang kaso ng death under investigation.


Source: ABP

Baclaran Church, nabagabag sa reaksyon ng tao sa photo gallery ng Death Under Investigation (DUI) Baclaran Church, nabagabag sa reaksyon ng tao sa photo gallery ng Death Under Investigation (DUI) Reviewed by Newsinfo Learn on December 21, 2016 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.