Villegas to Marcoses: Ang parangal na ipinagpilitang makuha ay nakakasuka

Home / News / Villegas to Marcoses: Ang parangal na ipinagpilitang makuha ay nakakasuka

During a prayer rally in Dagupan City, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Archbishop Socrates Villegas said that Marcos family should stop using the dead body of former president Ferdinand Marcos for their ambitions.
Edited photo of Newsinfolearn from Catholic Herald

Villegas said that former president Marcos needed were prayers and not honors.

“Nananawagan ako sa pamilya ng yumaong Ferdinand Marcos. Huwag sanang gamitin ng mga buhay ang bangkay ng yumao para sa kani-kanilang pangarap at ambisyon. Sa katayuan ng yumaong Ferdinand Marcos hindi na niya kailangan ang parangal sa libingan. Ang kailangan niya ay dasal. Hindi madaragdagan ang kanyang kapayapaan sa kabilang buhay sa pamamagitan ng puntod sa Libingan ng mga Bayani.

“Ang pinakamahalagang parangal sa yumao ay hindi isang magandang puntod. Mas mahalaga ang panalangin kaysa sa marangyang libingan.


“Ang parangal sa yumao ay iginagawad nang kusa, hindi pinagpipilitang ibigay. Ang parangal sa yumao ay hinihintay na ipagkaloob hindi ipinaglalaban na makuha kahit ano ang mangyari. Ang tunay na marangal ay hindi natatakot sa liwanag ng katotohanan hindi nagtatago palihim. Ang parangal sa patay ay biyaya ng bayan hindi bunga ng labanan ng abugado. Ang parangal na pinilit ay mapakla. Ang parangal na ipinagpilitang makuha ay nakakasuka.

“Para sa mga pamilyang naiwanan, ang dapat gawin ay ihingi ng tawad ang kasalanan ng yumao. Lahat naman ng yumao ay nangangailangan ng kapatawaran. Ibalik ang ninakaw na mana. Iwasto ang pagkakamali. Ang awa ng Diyos ay naghihintay sa lahat ng taong mababang loob at nagsisisi.

"Ang bayang nag-rarally ay handa namang magpatawad, bakit hindi? Subalit ang pagpapatawad ay hindi maaaring pagpapaubaya sa masama; hindi pagyakap sa pananakit at pandarambong. Ang pagbabayad pinsala sa masama; ang kabayaran sa pinsala; ang paghingi ng tawad sa kasalanan—ang mga ito ay kailangan upang mapatawad, wika ni San Juan Pablo II.

“Ang paglimot sa kahapon ay isang malaking kakulangan ng ating panahon. Kailangan nating alamin ang kahapon upang maitaguyod ang makabuluhang kinabukasan, sabi naman ni Pope Francis. Bayan ang humihirang sa bayani hindi ang libingan. Ang tunay na bayani ay bayani kahit saan ilibing. Ang huwad ay huwad kahit igawa ng monument.

“Mga kabataan, alamin ninyo ang kasaysayan. Huwag mag palinlang sa mga may masamang pangnanasa na pagandahin ang pangit at madilim na nakalipas. Magbantay laban sa sinungaling! Manalangin at manindigan."


Source: Inquirer

Villegas to Marcoses: Ang parangal na ipinagpilitang makuha ay nakakasuka Villegas to Marcoses:  Ang parangal na ipinagpilitang makuha ay nakakasuka Reviewed by Newsinfo Learn on November 27, 2016 Rating: 5

2 comments:

  1. The Puppet Master aka. The Network of Global Corporate Control (identified by Vitali, Glattfelder, and Battiston of ETH Zurich) is using its Tentacles (Puppets) to bring down Pres. R. Duterte by using the Church, the CIA, the Mainstream Media, most of alternative media and political hit men, as what happened in the Senate Hearing and the call of UNHCHR to Pres. Duterte to allow them to investigate the alleged extra judicial killing lately.
    https://www.youtube.com/watch?v=awIEkU5DaZE
    This is why… I keep on posting this comment that this is the source of Evil. Pres. Duterte should be very careful with the Vatican, CIA and the Mainstream Media that was owned and controlled by the Network of Global Corporate Control (identified by Vitali, Glattfelder, and Battiston of ETH Zurich
    http://arxiv.org/PS_cache/arxiv/pdf/1107/1107.5728v2.pdf )
    Read the teleprompter so that you may know how the Vatican and CIA that was base in Switzerland are interconnected. This is the Teleprompter of Karen Hudes DCTV Show.
    https://s3.amazonaws.com/khudes/dctvteleprompt3.29.pdf
    About Switzerland and the Templars, based on
    Sean Hross
    https://www.youtube.com/watch?v=9E0gUiVoHsI
    Here is the teleprompter:
    https://s3.amazonaws.com/khudes/dctvteleprompt6.14.16.1.pdf
    Here are the Famous Warnings/Quotes on the Evil of Jesuits
    https://tabublog.com/.../famous-warning-quotes-on-the.../
    Truth, Love and light will set us free…
    God Bless…us all his creation.

    ReplyDelete
  2. From the very start, if you dig deeper with your research the Vatican wich run by the Pope was the one who run the whole world. It was on their rules that anyone who will oppose will be iliminated or will be destroyed in any means. They will use thier full power and full connections just to accomplish thier great aims. If your are a divergent type you will be in trouble and this will be the problem for President Duterte in the days to come. He should be very vigilant in anything and to anyone. I remembered President John F Kennedy.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.