Open letter to the students of University of the Philippines

Home / Viral / Open letter to the students of University of the Philippines

A netizen named Aleusom Ron Mako posted his annoyance on Facebook to the students of University of the Philippines went viral on social media.

Ron Mako said that UP students were considered smart, has a high IQ, has a big ambition in life and in the society.

But it seems they became unfair, all they want is their voice to be heard and do not considered others opinion.

Read his full post below:



SHOUT OUT SA MGA TAGA UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES! Minsan napapaisip na lang ako, anong utak meron kayo.. Tinitingala kayo, dahil tingin niyo sa eskwelahan niyo paaralan lamang ng mga kabataang may mataas na IQ. Mga kabataang may mataas na ambisyon sa buhay at sa lipunan.. Pero tila nagiging unfair kayo sa ibang kabataan.. Dahil hangad niyo boses niyo lang dapat marinig sa bayan.. Deskriminasyon ba eto sa ibang kabataan na ng aaral sa mga ordinaryong unibersidad lang! Pilipino din kami, may mga sariling kuro kuro at opinyon na pinag lalaban.. Ang tatalino niyo, gusto niyong kayo ang masunod kesa sa ating Pangulo! Sa sobrang katalinuhan niyo, talo niyo pa ang yumaong si Maam Miriam.. Hiyang hiya naman ang testimonya ng mga matatanda na nakaranas nuong panahon ng Martial Law na wala nang sinabi kundi ang kabutihan na dulot neto.. Iba ang turo at nakasaad sa libro sa kwento ng mga Lolo at Lola ko.. Anong pinaglalaban niyo? Eh nong panahon na yon, dipa tuli ang mga magulang niyo.. Masyado kayong matatalino! Wala naman kayo alam sa tunay na kwento.. Ang tunay na edukado, marunong rumespeto sa desisyon ng mga mahestrado at sa ating mahal na Pangulo.. Putak kayo ng putak! Gusto ko lang dagdagan ang sinabi ni Rizal.. ANG KABATAANG MAY DIGNIDAD SA SARILING BAYAN, AT MAY PUSONG MARUNONG SUMUNOD ANG PAG ASA NG BAYAN.. Pero ang mga kabataang utak henyo, ang sisira sa imahe ng ating inang bayan!!!! MOVE ON NA KAYO! Para kayong hindi mga PILIPINO!


Source: Aleusom Ron Mako

Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!
Open letter to the students of University of the Philippines Open letter to the students of University of the Philippines Reviewed by Newsinfo Learn on November 27, 2016 Rating: 5

14 comments:

  1. idagdag na rin na kung hindi nila kinikilala si apo marcos na may naitulong sa ating bansa ayipatanggal na rin ang pangalan niya bilang alumnus ng university of the Philippines...suplahin na rin nila ang mga naging propesor at ang mismong administrasyon ng UP dahil sila mismo ang naging instrumento para meron silang produkto na tulad ni apo marcos...kaya ba nilang tanggapin ito?...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo, sa UP po nag-aral si Marcos, pero ibig-sabihin ba no'n ay lahat ng masamang ginawa nya sa buhay nya ay maisisisi na sa mga naging guro nya sa Unibersidad? Mukhang naninisi na lamang kayo kahit na walang lohika dito. Naaapektuhan tayo ng mga guro at magulang natin, oo, pero tayo pa rin ang namimili sa daang tatahakin natin. Sya ang nagdesisyon na magpapatay ng maraming tao. Sya ang nagdesisyong magnakaw ng ilang milyong dolyar sa bayan. Sya lang ang may pananagutan sa mga kasalanan nya.

      Delete
    2. Siya nga ang nagdisisyon,, pero sinu ang nag bigay direksyon sa kanya kung saan siya tutungu,, UP UP and away,, UP pa rin...

      Delete
  2. Ako hindi ako naniniwala matatalino yang mga taga UP ngayon. Di ba taga UP din si Marcos bakit inaahas nila? Ano tawag dyan traydor. Sabi ko nga kung talagang matatalino sila bakit sila palaging talo sa basketball. Ang talino ba nila puro dada lang wala sa gawa?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagiisip ka ba? Iba ang talino sa athleticism HAHAHAHAHAHA Doon sa basketball mo pa talaga icocompare tanga

      Delete
    2. Hindi ko po alam na ang utak ay kailangang ishoot sa ring. Seryoso, katalinuhan tapos biglang basketball?

      Delete
  3. ang taong matalino alam ang mga hakbang at ginagawa nila imagine san ka makakakita na patay na gusto pa nilang hukayin nasan ang Logic ng mga taong ganyan kung matalino sya. Dapat kung galit sila di wag nila iboto ang mga Marcoses ganun lang yun pero ang patay kahit san pa ilibing yan patay na yan di issue kung san sya inilibing saan man sya napadpad yun ba problema nyo sa buhay? nakakatulong ba sa buhay nyo ang ginagawa nyo? tingin nyo natutuwa ang langit sa ginagawa nyo o ang maaaring natutuwa e ang kalaban nila sa pulitiko kase karamihan sa politiko gusto lang mamolitiko to gain power and money. so think it over. Does it gain your effort with money and power as well? Or you are giving more power to the opposition? If i were you i prefer you to organize an organization for the poor people mas lalakas pa kayo sa langit. Wala kayong mapapala sa kaka-rally nyo. Matalino si Duterte kita nyo ni re reverse Psychology nya kayo pinababayaan nya kayo mag rally hanggang maubos ang pera ng organizer nyo kung sino man yan then magsasawa din sila sa kaka organize see di ba ganun ang mangyayari i bet it will be that way. So ano tingin nyo napala nyo? wala but to fight for your rights and opinion better do things which can add to your spiritual life. Mas mabuti pang dagdagan nyo ang faitht nyo sa taas kaysa binibgyan nyo ang mga taong mga greedy sa politics na tumaas. Di ba ako tama?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po ate, kakabasa ko lang po ng comment niyo at nirerespeto ko po ang inyong mga opinyon at paniniwala. Ito rin po ang mga hinaing ko sa mga sinabi niyo: :)

      a.) Pahayag niyo po na "ang taong matalino alam ang mga hakbang/ginagawa nila" tapos dinugtungan niyo ng "San ka makakakita na patay na gusto pa nilang hukayin, nasaan ang lohika ng mga taong ganyan kung matalino siya"; ang naintindihan ko po sa sinabi niyo ay ang mga nagrarally ay walang lohika at walang-alam sa mga pinanggagagawa nila. Ang sumbat ko naman ho dito ay may lohiko naman po sa ginagawa nila; yung isyu ukol sa patay na gusto pang hukayin, ang problema ho dito ay pagpaparangal sa isang pangulo at sundalong nagkasala sa kanyang bayan at nanatiling tahimik hanggang siya'y yumao bilang isang Bayani. Bago po kayong magsabi na "hindi naman sinabing bayani siya ah" pero po saan po ba siya ililibing? sa Manila North Cemetery? diba po sa Libingan ng mga Bayani? Ano po ang saysay kung bakit pa pinangalanang Libingan ng mga Bayani, kung sa tingin ng iba ay wala namang halaga ang salitang bayani sa pamagat nito?

      b.)Tapos doon po sa sinabi niyong "nakakatulong ba sa buhay niyo ang ginagawa niyo?" at "tingin niyo po natutuwa ang langit sa ginagawa niyo?"; Sa palagay ko po ang pakikiisa laban sa mga di tapat na kawani ng gobyerno ay may maidudulot namang kalamangan, sapagkat naipapakita ng mga mayorya na hindi sila apatetiko sa lahat ng pinanggagagawa ng pamahalaan, na kung mabuti man ay bibigyan ng puri, at kung masama ay di sasang-ayunan. Dun po sa sinabi niyo tungkol sa kasiyahan ng langit ay sa tingin niyo po bang nais ni Hesus makasama ang isang pangulong diktador na nakayang kumitil ng libo-libong buhay sa panahon ng kanyang panunungkulan? hahayaan niyo po bang magdusa si Hesus? Hindi naman po yata kaya ni Mr. Marcos na magpagawa ng inprastraktura sa langit, kasi di ba sabi nila iniiwan mo naman lahat ng kayamanan mo sa lupa :)))

      Delete
    2. may 2nd part pa hehehehe
      c.) May sinabi rin po kayo tungkol sa "Do your efforts gain you money and power as well?***"; parang sinasabi niyo po na lahat ng ginagawa ng tao ay para lang sa kanilang sariling nais/kamunduhan at na ang lahat ay makasarili, pero parang di po yata tama yun, sapagkat kaya nga tayo binigyan ng mga kapwa-tao para mahalin at pahalagahan tulad ng pagpapahalaga natin sa sarili. Sa tingin ko po ay nag-alsa ang mga kabataang ito, hindi dahil sa nais nila ang pera at kapangyarihan, subalit dahil nais nilang hindi na maulit ang nakaraan, kung saan ang mga tao ay walang muwang sa kalapastanganang nagaganap sa pamahalaan at kung saan binulag ng mga malalaking gusali ang mayorya upang takpan ang bodega ng basura at korapsyon na nakatago sa likod nga mga ito. May dagdag rin po kayong "Or are you giving more power to the opposition?***" ano pong ibig niyong sabihin sa "opposition"? kasi po ang alam kong dalawang partidong nag-aaway dito ay ang mga: May pakialam sa hinaharap ng bayan at May pakialam sa hinaharap ng bayan with reservations :) Wala naman po yatang pinapanigang pulitiko ang mga estudyanteng ito, yung po ang alam ko :)

      d.)Huli na po :)), sinabi niyo rin pong "I prefer you to organize an organization for the poor people" Ang alam ko po sa U.P., maraming grupo o organisasyon pong nagsisilbi upang pugsain ang kahirapan at tumutulong sa mga mahihirap, subalit hindi lang po sila napapakita sa media :) kaya don't worry po marami pong "Service-oriented organizations" sa U.P. at dahil po dito may lakas na po sila sa langit**(ayon po ito sa depinisyong ibinigay niyo sa langit na kung saan ang tinitingnang "kabutihan" lamang ay ang serbisyo ng isang tao sa iba, at hindi na kasali ang kanyang pananampalataya etc.) :)))

      ### Palakip na mensahe nalang ho, paano niyo po nalaman na may organizer na galing sa ibang partidong pulitikal? (kung meron man) gusto ko po kasing mas maintindihan ang pinaglalaban niyo pati na rin po ng mga rallyista :) at sa tingin ko po na "To fight for your rights and opinion" ay isa nang malaking hakbang upang mas mapagyaman ang buhay espirituwal ng isang tao, nakakadagdag din naman po ito ng ginhawa, sapagkat alam mong di ka preso ng iyong sariling bayan at may kalayaan kang kayang ipaglaban at pangalagaan.

      Yun lang naman po at sana po ay magkaintindihan po tayo :)

      Delete
  4. sorry pero mukang ginagamit lang kayo ng mga taong yan to gain again power. Just used your logical power. God gave you this part of the brain so you can evaluate information or situations. Wag ka papagamit sa walang kwentang pinaglalaban nyo kase you will not gain on this physically, mentally, emotionally and spiritually.

    ReplyDelete
  5. They maybe smart book but they lack common sense. UP is funded by Philippine government paid by Filipino taxes.

    ReplyDelete
  6. They maybe smart book but they lack common sense. UP is funded by Philippine government paid by Filipino taxes.

    ReplyDelete
  7. Ang matataas ang IQ, nagiisip muna bago gumawa ng hakbang! marunung magbalanse hindi puro daldal...Tingin ko sa inyo, mayayabang! ipinagmamayabang nyong magaling kau, angat kau, matalino kau.... na kayo ang boses ng masa....proud kau sa sarili ninyo kc tingin nyo hangang hanga ung mga nakakakita sa inyo. PWES!!! mali kau, maraming naiinis sa inyo kasi mga bastos kayo, nakakagulo kau, hindi kayo nakakatulong! sana ang utak nyo ay ginagamit nyo sa ikakaunlad ng bansa, yung mapapakinabangan ng lahat.... hindi ung hugot kayo ng hugot sa nakaraan. kahit pagsamasamahin nyo pa ang mga utak nyo hindi nyo na mababago ung mga nangyari na....Kayo ang nagpapabagsak sa bansa natin.....

    ReplyDelete
  8. I'm a taxpayer I believe I'm a part of UP students education. Without the gov't there won't be any University of the Phil. Kung sino yun pinag aaral ng gobyerno yun pa ang mga abusado! Example mga NPA, sino ba organizer nyan? Di ba galing sa UP! Asan sila, namundok nagtatago sa gobyerno! Ganitong buhay ba ang gusto nyo? They started just like you students of UP who's just fond of rally, and you think it's cool! Opinion ko ito sa mga UP students. I hate it whenever I see you on the streets when you are suppose to lend good example to other students. Sayang ang taxpayer's money sa inyo. My parents graduated from UP Medicine that I was proud of them. But with this new generation of UP students, how can I be proud with what you are showing? Going to the streets is not cool at all. Tapos na yun yugto na yun sa Pilipinas. Konting ibot nag rrally agad kayo, tama yun comment dito ni "bemer328....."They maybe smart book but lack common sense. UP is funded by PH gov't paid by Filipino taxes" Just in case you UP students do not know so there you go to remind you, know where you stand!

    Don't worry UP students, Pres Duterte declined whatever award of honor shit UP is giving, so knock it off, he's not that kind of person addicted to recognition like others. To be recognized as the president of the country is enough for him and just simply doing his job. If you cannot respect him at least respect us taxpayers who's part of your educational privilege. We have right of choice but let's respect each other's choice.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.