Sikat na TV Host kasama sa bagong PNP drug watchlist

Home / News / Sikat na TV Host kasama sa bagong PNP drug watchlist

Kasama sa listahan ang pangalan ng isang TV host sa 54 celebrities na sangkot umana sa illegal drugs ngunit hindi ito pinangalanan.
Photo credits: Philstar

Ang 54 pangalan ng celebrities ay isinumite ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

"Yung listahan na nai-submit [kay President Duterte] is 54. Ang basis nito, yung mga celebrities na nahuli natin, yung mga celebrity suppliers na sila yung pinagbebentahan nila," sabi ni Dela rosa.

“Sila yung mga customer. Nakuha natin yung mga pangalan doon at umabot sa 54.”



Kamakailan ay nahuli na ang celebrities na sina Sabrina M, Krista Miller at Karen Bordador.

Ang listahang ito ay iba pa raw sa naunang ibinigay ni PNP chief sa Malacanang.

Ayon naman kay NCRPO regional director Chief Superintendent Oscar Albayalde, bukod sa isang host ng isang toprating show, kasama rin sa listahan ang ilan pang TV at radio personalities.

READ ALSO: KAT ALANO TO DE LIMA: YOU IGNORED RAPE VICTIMS WHEN I ASKED FOR HELP, DO NOT USE WOMEN AS PROTECTION

Nakadepende raw kay Pangulong Duterte kung isasapubliko ang mga pangalan ng celebrities.

“It's being kept confidential. Up to President Duterte kung ilalabas or not. Pero ang sa amin is, this list came about from different information gathering.”


Source: PEP

Sikat na TV Host kasama sa bagong PNP drug watchlist Sikat na TV Host kasama sa bagong PNP drug watchlist Reviewed by Newsinfo Learn on October 26, 2016 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.