Rosanna Roces may pahayag tungkol sa alegasyon kabit siya ng drug lord sa NBP

Home / News / Rosanna Roces may pahayag tungkol sa alegasyon kabit siya ng drug lord sa NBP

Ipinahayag ng aktress na si Rosanna Roces ang kanyang saloobin tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan na kabit umano ito ng isang high-profile inmate sa New Bilibid Prison na si Vicente Sy.


Sa kanyang Facebook account, ipinahayag at itinanggi ng aktress ang testimonya ng isang bilanggo na si Nonile Arile.

Ayon kay Arile, si Roces at pumupunta umano sa kubol ni Vicente Sy.

Sa pagdinig ng Kamara de Representantes nitong Huwebes tungkol sa umano'y illegal drug trade sa NBP, ayon kay Arile, isa umano siyang asset ni Police Sr. Superintendent Jerry Valeroso.


Isa sa kanyang misyon ay bantayan at alamin ang transaksyon at mga protektor ng mga nakakulong na Chinese na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa Bilibid.

Ito ang pahayag ni Rosanna Roces sa kanyang Facebook account:

"Paanong magiging mistress eh babae ang dinadala ko ke Enteng. Kada hatid ko ng babae ay 25k ang binibigay sa akin. Kahit na reject pa ang babaeng dalhin ko. Kung naging mistress ako di sana nabayaran ko ang 2m na talo ko sa kaso sa Gma. Di na sana ako nagpapakahirap magtrabaho ngayon. Baka producer na ako. Hindi droga ang business ko sa bilibid. Monterey....taga deliver ng karne. Isang tao lang ang kausap ko dun. yung sinasabi nilang si vicente sy. Madaling magtahi ng kwento pero mahirap ang magpatunay. Kilala ko din sina noel martinez dating mayor ng g.i ..dahil nag concert na din kmi sa loob. Kasama sina aprilboy at selina sevilla. Dun ko na meet si jaybee sebastian dahil na interview ako o nahingian ng mensahe sa kanyang Btv o bilibid tv. Other than that wala na akong naging dahilan para bumalik. Lalona nung ang huling nadala ko palang babae ay maysakit.😞"



Source: GMA News Online

Rosanna Roces may pahayag tungkol sa alegasyon kabit siya ng drug lord sa NBP Rosanna Roces may pahayag tungkol sa alegasyon kabit siya ng drug lord sa NBP Reviewed by Newsinfo Learn on October 07, 2016 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.