QC Mayor Herbert Bautista suportado ang pamumuno ni Pangulong Duterte

Home / Entertainment / QC Mayor Herbert Bautista suportado ang pamumuno ni Pangulong Duterte

Ayon sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, marami raw nadiskubre ang mga Pilipino sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos ng mahigit 100 days.
Photo credits: UNTV

Miyerkules, October 19, sinabi ni Herbert na talagang nakatutok si Duterte sa kanyang laban kontra illegal drugs.

Pahayag ng QC mayor, "The President has concentrated so much on the drug war, and I think everybody knows about it now, after a hundred days of talking about it."

"Ang dami nang nangyari na discovery because of the drug war. We discovered kulang tayo ng rehabilitation centers, we discovered na siksikan na yung mga city jails natin."

Dagdag pa ni Herbert, kailangan na rin daw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng sarili nilang law enforcement unit upang maiwasan ang corruption at pagkakasangkot sa droga ng mga kapulisan.



"We discovered na yung PDEA Law was created na dumating yung point na after 10 years e kailangan may sarili na silang law enforcement unit na hindi nangyari."

"Para hindi nasisira yung image na kahit yung mga pulis, puwede niyang hulihin dahil kasangkot sa sindikato."

"Ang daming na-discover that I think we should already act on not in palliative terms, but in more substantive and strategic term. For one, building a big rehabilitation center is important."

"Government naman is doing that. I still believe that government is an institutional thing na regardless of political personalities, the programs must continue. At alam naman natin, iyan, e.

"Nagbago ba yung economic fundamentals natin? Hindi naman, e. Nagbabago lang yung tao, nagbabago lang yung thrust.

READ ALSO: CESAR MONTANO REACTS TO CELEBRITIES WHO WERE RECENTLY ARRESTED

"Kung sinong nakaupo, ito ang focus ko pero dapat tuluy-tuloy pa rin yung institutional movement, yung grinding of programs ng iba't ibang departamento, dapat magpatuloy yun. Hindi dapat tumigil yun.

"Otherwise, talagang personality based lang yung pamamahala natin dito, di ba?

"So dapat yun, regardless of political personalities, the programs of institutions in the government must continue.

"And I think, he's doing that. Binigyan niya lang ng special mention yung peace and order, specifically yung anti-drug."

Nagpahayag din si Herbert patungkol sa pakikipag-ugnayan ni President Duterte sa ibang bansa lalo na sa mga miyembero ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

"Now is the time for the president to look at the different track. I think he's now on the foreign relations track."

"Strategically he knows that President Obama [of U.S.] is outgoing so kung sino man ang mananalo, makikipag-usap sa kanila yun indefinitely.

"Meanwhile, alam niya yung Brexit, medyo magulo ang EU [European Union].

"Pag nag-settle iyan, hopefully by March, mase-settle na yung issue ng gradual phase out, pag-alis ng United Kingdom [UK] sa EU, titining na rin 'yan.

"What he's doing, he's trying to strengthen his relationship with ASEAN countries. Not just because we're the host country ng ASEAN sa 50th anniversary niya but because ano yung concerns ng West Philippine Sea, ng claimant countries, include mo pa yung Taiwan na hindi naman part ng ASEAN.

"Merong seryosong dispute between Japan and China. So yun yung kanyang binabalanse."

READ ALSO: CHRISTOPHER DE LEON SUPORTADO SI PANGULONG DUTERTE LABAN SA DROGA

Marami rin ang mga headlines na nangyari sa local at international media organizations dahil sa maaang-hang na statements ni Duterte, ito raw ang kanyang paraan upang pakinggan ang kanyang mga sinasabi.

"Take out all the expletives, I think he's okay."

"Sinabi naman niya, e. Sa airport papuntang Vietnam, 'E kung hindi ba ako magmumura, papansinin ba ako ng mga iyan?' Sinabi naman niya iyan, e. And that's what he did. So ngayon, pinapansin na siya."

Dagdag pa ni QC Mayor Herbert, mas malaking isyu na raw kapag "war on poverty" na ang bibigyang pansin ni Duterte, kasama na rito ang matinding traffic sa buong Metro Manila.

"Poverty has a lot of aspects e [like] housing. Metro Manila traffic para sa akin is not only about traffic management.

"It's also about housing, kasi ang daming kalye dito na may nakatira along the way, e.

"So it’s housing, relocating people. Sa relocation site, dapat kailangan may kuryente, may tubig, may trabaho, may eskuwelahan, may ospital.

"So kailangan pumasok si Health, si TESDA, pumasok si ano… You're only talking about traffic in Metro Manila."


Source: PEP

QC Mayor Herbert Bautista suportado ang pamumuno ni Pangulong Duterte QC Mayor Herbert Bautista suportado ang pamumuno ni Pangulong Duterte Reviewed by Newsinfo Learn on October 22, 2016 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.