WATCH: Bam Aquino: Hindi bayani si Marcos, magnanakaw siya

Home / News / WATCH: Bam Aquino: Hindi bayani si Marcos, magnanakaw siya

"Unang-una intindihin natin na ang pangalan noong libingan ay Libingan ng mga Bayani kaya siguro iyong mga hindi bayani, talagang hindi karapat-dapat na malibing diyan."

 "Iyon iyong una kong sasabihin, puwede tayong pumunta sa mga ibang detalye but at the end of the day, simple lang naman. Bayani nga ba si Former President Marcos?"



"Palagay ko, ang ating kasaysayan, ang ating mga korte, nagsasabi na hindi siya bayani. In fact, during that time, 70,000 ang nakulong dahil sa pulitika, 30,000 ang na-torture, almost 3,000 ang namatay. Malinaw na dark days iyong martial law sa panahon ng ating bayan. Kaya siguro, hindi talaga karapat-dapat."

"Puwede naman mag move-on. Pero, kailangan iyong tama, tama. Iyong mali, mali. Kapag iyong mali, nagiging tama, palagay ko iyon, hindi ka talaga makaka-move-on doon because you will forever repeat the mistakes of the past."

"So ang gusto ho natin, maging malinaw naman tayo. Kung ikaw, naging isang former president, nagnakaw sa ating bansa, maraming napapatay during your term, maraming nakulong na dapat hindi nakulong, you don’t deserve to be in the Libingan ng mga Bayani. Hindi ka karapat-dapat doon."

"Sana iyon po, maging malinaw sa ating bayan. Kasi kapag natuloy nga po ito, at nalibing siya diyan, iyon po ay isang araw na ang mali naging tama. So we’re really hoping po na hindi ito matuloy. And like many of us here, we’re hoping that President Duterte will change his mind. Mag-iiba pa po sana ang kanyang pag-iisip tungkol dito."





Source: Bam Aquino

WATCH: Bam Aquino: Hindi bayani si Marcos, magnanakaw siya WATCH: Bam Aquino: Hindi bayani si Marcos, magnanakaw siya Reviewed by Newsinfo Learn on October 12, 2016 Rating: 5

2 comments:

  1. Bakit may magagawa pa ba kau sa nangyari sa nakalipas? Bakit gaano ba kalinis ang mga Aquino? Madami din naman namatay sa Hacienda Luisita ng dahil sa ayaw nila ibigay ang lupa na dapat ay sa mga tau. Matulog ka nalang Bam para mabawasan ang mga maiingay at mga nagpapasikat pandagdag ka pa.

    ReplyDelete
  2. DumbAM,ang Bigat mong maghusga. Ibinibintang mo Kay MArcos at puro HEARSAY HINAYUPAK ka. He was acquitted in international court. DAPAt alam mo IYAN idiot. Itong look alike mo na NINoY AQUINO ang Convicted of TREASON.,at MGa LAhi ninyo ang pumatay Kay NINOy Aquino Kaya Hindi masolve ang case. Lahi kayong MAGNANAKAW MAPAGKUNYARING BANAL. ABNOy COJUANCO AQUINO ang MGa MALAS sa BaNSAnG Ito. ABNORMAL

    ReplyDelete

Powered by Blogger.