READ: Official statement of Mocha girls performing a concert in Bilibid

Home / News / READ: Official statement of Mocha girls performing a concert in Bilibid

Mocha girls were amongst the celebrities who were named as a performer in Bilibid, together with Ethel Booba, Sharon Cuneta and Freddie Aguilar.
Photo credits: news.abs-cbn.com

In the Facebook page of "Mocha Uson Blog", Mocha posted their statement about the said issue.

Here's what the post said:
"MY OFFICIAL STATEMENT REGARDING MOCHA GIRLS PERFORMING AT A CONCERT IN BILIBID

Totoo po na noong late 2012 or early 2013 kami po ay nagperform sa bilibid. Marami pong nag perform doon sa event na yun. Ito po ay pormal na concert na dumaan po sa tamang proseso. Marami pong mga artista na nagsho-show dun at nagbibigay pag-asa sa mga bilanggo. Sa tingin ko naman po walang masama kung ito ay PORMAL na nanggaling sa opisyal ng BUCOR. Ang Mocha Girls ay involved po sa iba't ibang charity shows kahit noon pa man. Binibigyan lamang ito ng kulay ng ibang ANTI-DUTERTE dahil kami ay suporter ng ating Pangulo. Itong mga DILAW na ito ay hindi na maipagtanggol si De Lima kaya kung anu-anong issue ang gustong ungkatin. Tulad ng nabanggit ng witness, maraming mga artists ang nakapagperform na doon kasama na si SHARON CUNETA at FREDDIE AGUILAR. Ang nakakapagtaka lang ay bakit kami lang ang idinidiin at binibigyan ng kulay. Una sa lahat, hindi ko po kinahihiya iyon bakit? Tulad nga ng aking sinabi, walang masama kung ito ay dumaan sa tamang paraan. And for argument's sake, kung bawal pala iyon hindi dapat ang mga Artista o Entertainer ang sisihin dapat ang pamunuan ng BUCOR at dating SEC DE LIMA dahil sila ang nag issue ng kaukulang permit upang makapag concert sa loob. Ngunit uulitin ko hindi ko ikinahihiya ito dahil ako at ang aking grupo ay nagbigay ng malinis na kasiyahan at pag-asa sa mga taong nagkamali sa lipunan. Ngayon po ako ay abala sa pagsisimula ng isang foundation na magtatayo ng mga REHAB CENTERS sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Natural na ako po ay magpe-perform ng WALANG BAYAD kasama ang buong Mocha Girls upang magbigay ng pag-asa sa mga, uulitin ko, NAGKAMALI SA LIPUNAN. Dahil ako ay naniniwala na habang may buhay ang tao ito ay may pag-asang maayos at maging kapanipakinabang sa lipunan. At hindi ko ikinahihiya ito.


Ang tamang tanong dito ay - sa dinami dami ng mga nag concert sa Bilibid na mga artista bakit ang kailangan idiin at gawan ng issue ay kami? Simple, POLITIKA! Dahil kami ay masugid na suporter ni Pangulong Duterte. At magandang i-SENSATIONALIZE ng MEDIA at BLOG/FB PAGE ang issue na ito.


Sa mga UTAK DILAW, ibalik natin ang issue- 

DE LIMA, TOTOO BA NA IKAW AY TUMATANGGAP NG PAYOLA SA MGA INMATE? Kung HINDI sagutin mo isa-isa ang akusasyon sayo."



READ ALSO: SEN. GRACE POE TO UN AND EU: INVESTIGATE FIRST BEFORE CONDEMNING PRESIDENT DUTERTE
READ: Official statement of Mocha girls performing a concert in Bilibid READ: Official statement of Mocha girls performing a concert in Bilibid Reviewed by Newsinfo Learn on September 21, 2016 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.