Jaybee Sebastian isinalaysay ang tunay na pangyayari sa naganap na riot

Home / News / Jaybee Sebastian isinalaysay ang tunay na pangyayari sa naganap na riot

Kahapon, September 29, kinunan na ng sinumpaang salaysay ng CIDG ang inmate na si Jaybee Sebastian.

Photo credits: news.abs-cbn.com

Ayon kay Sebastian, nanonood lang daw siya ng TV ng biglang may sumaksak sa kanyang likuran. Paglingon niya, nakita niya si Tomas Donina na may hawak na ice pick. Sinaksak siya ulit nito pero nasalag niya. Dito na dumating ang Special Action Force (SAF) at tinutukan ng baril si Tomas. Agad namang lumabas si Sebastian para humingi ng tulong.

Bago ang insidente, magkakausap pa raw sina Sebastian, Tomas, at dating Major Clarence Dongail.


Pagkaalis nila Tomas at Dongail saka dumating sina Peter Co, Tony Co at Vicente Sy. Dumiretso raw ang tatlo sa kanilang mga kubol.

Ayon kay Sebastian, wala naman silang alitan ni Tomas at ang tanging alam niya lang ay tauhan ni Major Dongail si Tomas.

READ ALSO: HUSBAND OF MIRIAM: YUNG PAGMAMAHAL AT PAPURI SA KANIYA, SANA NAIGAWA NU`NG BUHAY PA SIYA

Nauna ng sinabi ng lawyer ni Sebastian na handa na itong isiwalat ang lahat ng nalalaman kay Pangulong Duterte. Doble pasabog raw ito.

Pero tumanggi ang Pangulo na hiling ni Sebastian.


Source: News5

Jaybee Sebastian isinalaysay ang tunay na pangyayari sa naganap na riot Jaybee Sebastian isinalaysay ang tunay na pangyayari sa naganap na riot Reviewed by Newsinfo Learn on September 30, 2016 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.