De Lima: Sana hindi na lang ako nanalo para hindi na ako pinag-iinitan

Home / News / De Lima: Sana hindi na lang ako nanalo para hindi na ako pinag-iinitan

Sa isang press conference, nabanggit nito na "sana hindi na lang ako nanalo" sa pagka-senadora para hindi na siya pinag-iinitan ngayon.
Photo credits: cnnphilippines.com

Sa nasabing conference, tinalakay ni De Lima ang mga bagong kaganapan tulad ng pahingi ng tawad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 3 taong naisama sa drug matrix kung saan sangkot umano ito sa illegal drugs sa loob ng New Bilibid Prison.

Nabanggit din ni De Lima ang nangyaring riot sa bilibid kung saan napatay ang isang inmate na si Peter co, isang convicted drug lord at ang ibang high-profile inmates naman na sina Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy ay sugatan.

Si De Lima umano ang nasa likod ng nangyaring riot, ngunit magiit na itinanggi ito ng Senadora.


Sa question and answer portion ng press conference, isang reporter ang nagtanong kay De Lima kung nagsisisi ba ito sa pagtakbo bilang senadora, na sinagot naman niya nang ganito:

“Nice question. May nagtanong na rin sa akin niyan. Sabi ko nga, on one hand, hindi naman sa nagsisisi, pero I was just telling myself sana hindi na lang ako nanalo para hindi na ako pinag-initan. Kaya lang naman ako pinag-initan muli, dati nang mainit talaga sa akin, lalong naging mainit nung I initiated the probe, the inquiry into the extrajudicial killings. So on one hand, sana hindi na lang ako nanalo para hindi ako pinagdidiskitahan ngayon. On the other hand, eh trabaho ito, mandato ng bayan na may gagawin akong trabaho.”

READ ALSO: LITO ATIENZA: WALANG IBANG DAPAT SISIHIN SA PATAYANG NANGYARI SA BILIBID NGAYON KUNDI SI SENATOR DE LIMA

Narito ang link upang mabasa ang ubong press conference kay Senador Leila de Lima.


Press Conference of Sen. Leila M. de Lima

De Lima: Sana hindi na lang ako nanalo para hindi na ako pinag-iinitan De Lima: Sana hindi na lang ako nanalo para hindi na ako pinag-iinitan Reviewed by Newsinfo Learn on September 29, 2016 Rating: 5

1 comment:

  1. Hehehe hindi ka naman talaga nanalo,Si Aquino ang naglagay sa yo dyan katulong ang pinsan nya na si Bautista gamit ang PCOS,para guluhin ang DUTERTE adminastrationšŸ˜

    ReplyDelete

Powered by Blogger.