Bong Revilla gets emotional on his 50th birthday celebration

Home / Entertainment / Bong Revilla gets emotional on his 50th birthday celebration

Sa ika-50th na kaarawan ni former Senator Ramon 'Bong' Revilla Jr. noong Sabado, September 24, hindi nito napigilang maging emosyunal habang nagbibigay ng mensahe sa mga taong dumalo.
Photo credits: GMA News online

Dinaluhan ito ng kanyang pamilya, mga kamag-anak, at ilang malalapit na kaibigan.

Si Bong ay mahigit dalawang tao ng naka-detain sa PNP Custodial Center kasama ang kaibigan at dati ring senador na si Jinggoy Estrada. Nadawit ang dalawa sa diumano'y pork barrel scam.

“Alam niyo, napakahirap ng buhay dito,

“Akala niyo okay kami, kahit ganito pa ‘yan, balewala lahat yun.
“Kahit ano pa sabihin natin, selda pa rin ‘yan.

“Kailangan namin ni Pareng Jinggoy ng tunay na kalayaan na ipinagkait nila sa amin.


“Dapat malayo na ang marating namin, pero hinadlangan nila.

“Pero ganun pa man, hindi kami dapat maging marupok sa mga pagsubok na ito.”

“Pare, in God’s time. Maybe it’s not yet our time.

“Pero ang pinakaimportante ngayon, kilala na natin, Pare, kung sino ang mga tunay nating kaibigan. Lahat na narito ngayon.”
Patuloy niya, “Alam niyo, sa totoo lang, akala namin wala nang nagmamahal sa amin, e.

“Eto lang ang masasabi ko, kahit na mas malaki pa ang celebration ng birthday ko before, masasabi ko sa mga ganitong sitwasyon na kinalalagyan namin ni Pareng Jinggoy, dito mo makikita ang mga tunay na kaibigan mo.

“At sa pagkakataong ito, kayong lahat na narito at mga dumalaw sa amin, kayo ang mga tunay na kaibigan namin ni Pareng Jinggoy.

“Tunay na nagmamahal sa amin.”

BABANGON KAMI... 

“Ang masasabi ko pa, sa bawat pagsubok ng buhay ng tao, hindi puwedeng palagi kang nasa ibabaw, hindi naman pupuwedeng palagi kang nasa ilalim.

“Sa aming pagbagsak ni Pareng Jinggoy, babangon at babangon kami.

“At sa pagbangon namin…”

Lumapit si Jinggot at niyakap si Bong, peraho na silang lumuha. Hindi na natapos ni Bong ang kanyang sasabihin.


Source: GMA News Online
Bong Revilla gets emotional on his 50th birthday celebration Bong Revilla gets emotional on his 50th birthday celebration Reviewed by Newsinfo Learn on September 30, 2016 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.