Aiko Melendez to De Lima: Humarap ka sa mga tao binoto ka, obligasyon mo ang magpaliwanag

Home / Entertainment / Aiko Melendez to De Lima: Humarap ka sa mga tao binoto ka, obligasyon mo ang magpaliwanag

Nagpahayag na kanyang saloobin ang beteranang actress na si Aiko Melendez sa tila pagdadrama ni Senator Leila De Lima kaugnay sa alegasyong drug protector diumano ito noong siya ay nanunungkulan bilang Department of Justice Secretary.
Photo credits: Rappler and newsinfo.inquirer.net

Sa Facebook post ni Melendez, sinabi niya na dapat bilang babae, dapat matibay ang puso mo, may paninindigan at higit sa lahat, may prinsipyo sa buhay.

Basahin ang pahayag ni Aiko:


"Sa Filipino culture, mataas ang respeto natin po sa mga babae.
At lalo na kung papasok ka sa mundo ng pulitika, dapat matibay and puso, paninindigan, at higit sa lahat prinsipyo sa buhay…Otherwise, makakain ka ng sistema ng pulitika…
Sa nangyayari kay Sen. De Lima na diumano Drug Protector, ayon sa mga naglalabasang ebidensya laban sa kanya, dapat maging matibay din ang loob niya sa pagharap at pagpapatunay niya ng kanyang side kung siya ay inosente…Di pwede ang pusong mamon dito. Nung panahon na binabatikos niya kaliwat kanan ang mga taong sangkot sa mga illegal na activities sa ating lipunan, di naman niya din naisip na maaring ang mga taong sangkot ay me anak na babae or nanay. Kaya sa paglilitis ngayon sa Drug protector issue, dapat harapin nya ito bilang isang lider na di nya kinakailangan igiit na sya ay babaeng binabastos at pinagtutulungan…After all, ang mga Pilipino ay matatalino at mapagpatawad. Pero sa puntong ito, sana maisip dn ni Sen De Lima ang mga babaeng nalulong sa droga at kaayusan ng pamilya ng dahil sa lumalaganap na droga…Di ito usapin ng Gender… usapin ito ng lumalalang problema ng ating bayan at yan ang Droga…”

READ ALSO: VIRAL: OGIE DIAZ IPINAGTANGGOL SI PANGULONG DUTERTE

Aiko Melendez to De Lima: Humarap ka sa mga tao binoto ka, obligasyon mo ang magpaliwanag Aiko Melendez to De Lima: Humarap ka sa mga tao binoto ka, obligasyon mo ang magpaliwanag Reviewed by Newsinfo Learn on September 24, 2016 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.